Miyerkules, Hulyo 30, 2014

ESP-8 Cabuhat

Isang araw, nakakita ako ng isang pulubi o na batang palaboy. Naitanong ko sa aking sarili kung bakit sila ay tila nag iisa at walang inuuwiang bahay. Maaring sila ay naglayas o di kaya'y iniwan sila ng kanilang magulang o pamilya. Maswerte ako pagka't ako ay may mga magulang at kapatid sa makatuwid ang tinatawag nating pamilya. Ano nga ba ang pamilya? Ito ang pinakamaliit na yunit sa pamayanan. Binubuo ng ama, ina at mga kapatid. Simple lamang ang aking pamilya. Sa aking kaso namumuhay ang aking pamilya sa kapiling ng aking lola at tita. Nagtatrabaho ang aking mga magulang sa ibang bansa, kaya'y ang aking tita ang nagaalaga saamin pansamantala,. Mahirap man malayo sa aming mga magulang kaylangan kong tanggapin at tiisin dahil ginagawa nila ito para saamin ng aking kapatid, upang makapagaral kami,makapagtapos ng pagaaral. Pinipilit nilang magkaroon kami ng magandang buhay hindi katulad sa mga nangyayari sa ibang mga bata. Oo, minsan ay meron kaming mga di pagkakaunawaan at mga problema sa buhay, ngunit sa huli ay amin itong nalalagpasan.Sa pagtanda ng aking mga magulang akin silang aalagaan tulad na lamang ng pagaalagang kanilang binigay sa aking lola.Oo, walang perpektong pamilya, ngunit hangga't nasa tabi ko sila wala na akong mahihiling pa.

1 komento: